Belen Ukay-Ukay
Friday, September 19, 2014
Pinagmulan ng Ukay Ukay
Ayon sa kuro-kuro, nagsimula ang ukay-ukay matapos bilhin ng ilang mangangalakal ang mga naimbak na bulto-bultong tulong na pinaglumaang mga damit na pinadadala ng humanitaryong grupong Salvation Army sa Pilipinas, bilang tugon nito sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa mula noong dekada 80.[3]Ang mga unang ukay-ukay ay nagsulputan sa Baguio, kung saan ito'y tinawag na wagwagan, dahil kinakailangang iwagwag o ipagpag muna ang mga inaalikabok nang damit[4]upang ito'y matignan o maisukat. Dahil karaniwang nanggagaling sa mayayamang bansa na nakararanas ng taglamig ang mga tulong na damit, marami sa mga ito ay naaangkop sa mas malamig na klima ng Baguio. Naging popular ang mga wagwagan sa Baguio at dinayo pa ito ng mga taga-Maynila. Di-naglaon tinawag ang mga tindahang ito na ukay-ukay, mula sa salitang "halukay," dahil sa pangangailangang maghalukay kung minsan sa mga kahon-kahong nakatumpok na damit.[2]
Subscribe to:
Posts (Atom)